配信日
2025年06月10日
配信先グループ
Tagalog
[IKT25-6]【Tungkol sa Tag-ulan】
Maulan sa Japan mula Mayo hanggang Hulyo.
Ang tawag sa panahon na ito ay tag-ulan o “TSUYU”.

Madalas na linisin ang banyo at kusina dahil mabilis amagin ang mga lugar na ito.
Mabuti rin na maglagay ng dehumidifying agent sa mga aparador at sa kabinet ng sapatos.

Maigi rin na magdala ng payong na natitiklop kapag lalabas sa panahon ng tag-ulan.
Pagkatapos ng tag-ulan, darating naman ang panahon ng bagyo. Mangyaring mag-ingat.

May website tungkol sa mga dapat pag-ingatan sa panahon ng bagyo at malakas na pag-ulan.
Maaari itong basahin sa iba’t-ibang wika.
https://www.kifjp.org/shuppan/multi#bousait


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ