- 配信日
- 2013年06月21日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT13-14]“Present Condition Form”para sa Child Allowance
-
Makakatanggap ng “Child allowance (Jido teate)” ang mga batang nakatira sa Japan (Ipinanganak mula Abril 2, 1998 hanggang Hunyo, 2013).
Ang mga batang kasalukuyang nakakatanggap ng Child Allowance ay makakatanggap ng “Present Condition Form (Genkyo todoke)” mula sa publikong tanggapan ng tinitirhang lungsod o prepektura. Mangyaring punan ng kasalukuyang kalagayan ng bata at ipadala sa publikong tanggapan ng tinitirhang lungsod o prepektura.
Kapag hindi ipinadala o ipinakita ang form na ito, maaaring hindi makatanggap ng Child allowance sa buwan ng Hunyo.
Kung hindi alam ang pamamaraan, mangyaring kumonsulta o magtanong sa tanggapan ng tinitirhang lungsod o prepektura.
※Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Child allowance, mangyaring tingnan ang sumusunod na website.
http://www.clair.or.jp/j/multiculture/docs/jido-tl1.pdf (Tagalog)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
