- 配信日
- 2013年07月09日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT13-16]Mag-ingat sa Heat stroke
-
Sa mga mainit at mahalumigmig na lugar kung saan nag-eehersisyo o nagtatrabaho, mag-ingat sa heat stroke kapag biglang nakaramdam ng pag-init ng katawan.
Ang mga palatandaan o sintomas ng “heat stroke” ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan, panghihina, pagkahilo at pagsakit ng ulo.
Sa mga malalang pangyayari, maaaring maging sanhi ito ng pagkawala ng malay, kapansanan at kamatayan.
Mangyari lamang na mag-ingat sa “heat stroke”, lalo na ang mga bata at matanda dahil sila ang malimit maapektuhan nito.
<Nararapat gawin upang maiwasan ang “Heat stroke”>
■Sapat na pag-inom ng tubig at sapat na asin (uminom ng tubig kahit na hindi nauuhaw)
■Magsuot ng preskong damit
■Kapag nasa labas, maglakad sa malilim na lugar, at gumamit ng sumbrero o payong.
■Kapag nasa loob ng bahay o kuwarto, buksan ang mga bintana, paandarin ang air conditioner upang maging presko o malamig ang pakiramdam.
※Para sa mga impormasyon tungkol sa mga karamdaman katulad ng heat stroke at mga hospital, maaaring tumawag sa telepono at kumonsulta sa iba’t-ibang wika.
Maaaring humingi ng suporta ng tagasalin ng wika sa pakikipag-usap sa telepono kapag nais na magpatingin sa hospital.
International Medical Information Center
TEL: 03-5285-8088
■Ingles: Araw-araw(9:00~20:00)
■Tagalog: Miyerkules(13:00~17:00)
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
