- 配信日
- 2013年09月09日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT13-23]Pasasalamat sa Pagtugon at Ulat ng Resulta ng Survey mula sa INFO KANAGAWA
-
Maraming salamat sa inyong pagtugon sa mga katanungan o survey mula sa INFO KANAGAWA.
Ang kasalukuyang bilang ng subscribers ay umaabot na sa 2,178. Naririto po ang resulta ng survey na natanggap namin mula sa tugon ng 55 subscribers.
<Mga mahalagang paksa (nagtamo ng maraming kasagutan)>
・Mga Hakbang sa Pag-iwas sa Sakuna (Lindol, Bagyo) = 40 na kasagutan
・Pangangalagang pang-medikal = 36 na kasagutan
・Events o Kaganapan (Pang-internasyonal / Impormasyon tungkol sa mga lugar na mapapasyalan o sightseeing) = 33 na kasagutan
・Edukasyon para sa mga Kabataan= 31 na kasagutan
・Lugar ng Konsultasyon (Consultation Counters)= 30 na kasagutan
<Mga Pangunahing Paksa at Mahalagang Puna>
・Scholarship
・Mga mahalagang dokumentong pang-medikal na nakasalin sa iba’t-ibang wika
・Mga impormasyon tungkol sa mga kaganapan o events para sa mga dayuhan, sports, sightseeing spots o mapapasyalang lugar
・Sistema ng mga Samahan ng mga Kapitbahay (Neighborhood Association)
・Mga impormasyon tungkol sa pag-aalaga at pagpapalaki ng anak
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Para makatanggap ng impormasyon na nais malaman mula sa INFO KANAGAWA, mangyaring magpadala ng e-mail sa infokanagawa@k-i-a.or.jp
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
