- 配信日
- 2013年09月25日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT13-26]Pagsusuri ng Kalusugan at Pagbabakuna ng Sanggol
-
Upang lumaking malusog ang bata, mayroong isinasagawang pagsusuri ng kalusugan at pagbabakuna. Magtanong sa munisipyo o city hall ng tinitirhang lungsod upang matiyak ang petsa at lugar ng gaganapan nito.
■Pagsusuri ng Kalusugan ng sanggol
Mula 3~4 na buwan, 1 taon at 6 na buwan at 3 taong gulang , sinusukat ang taas at timbang ng mga bata. Nagsasagawa rin ng pasusuri ng pangangatawan ang mga doktor.
■Bakuna
Ang bakuna ay isinasagawa sa pamamagitan ng iniksyon upang makaiwas sa mga nakakahawang sakit.
May matatanggap na libreng pagpapa-bakuna, mayroon ding kinakailangang bayaran.
<Sanggunian>
Sa sumusunod na website, nakasalin sa iba’t-ibang wika ang mga uri ng bakuna at takdang panahon kung kailan maaaring matanggap ito.
Vaccination Research Center
http://www.yoboseshu-rc.com/index.php?id=8
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@k-i-a.or.jp
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html
-
