- 配信日
- 2014年10月01日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT14-27]Bagong Sistema ng Suporta sa Pangangalaga ng mga Bata
-
Magbabago ang sistema ng suporta sa pangangalaga ng mga bata mula Abril 2015. Kailangang pasok sa isa sa tatlong kategorya upang maipasok ang anak sa nursery o kindergarten. Mayroon ding bubuksan na mga bagong maliliit na nursery o hoikuen. Iba’t-iba ang pamamaraan sa bawa’t munisipalidad o lungsod ng pamamahagi ng gabay sa pagpasok at mga application form. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring magtanong sa publikong tanggapan ng munisipyo o city hall.
Ang sumusunod na impormasyon ay halimbawa sa lungsod ng Yokohama. Mangyaring sumangguni dito:
(Ingles)
http://www.city.yokohama.lg.jp/lang/koyoko/786/en.html
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
