- 配信日
- 2014年11月17日
- 配信先グループ
- Tagalog
- [IKT14-35]Mag-ingat Tayo sa Influenza
-
Laganap ang influenza o trankaso tuwing panahon ng tag-lamig.
Kapag nagka-influenza, makakaranas ng mataas na lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan.
Upang makaiwas sa influenza, mangyaring sundin ang mga sumusunod na tagubilin:
・Pag-uwi sa bahay, maghugas ng kamay at magmumog.
・Tiyakin na may sapat na pagtulog at balanse ang nutrisyon ng pagkain.
・Kung saang maraming tao, magsuot ng mask.
・Mabisa ang pagpapabakuna para makaiwas ng influenza, at para kahit nadapuan man, hindi gaanong lalala ang kalagayan.
・Kapag nakaramdam ng sintomas ng influenza, agapang magpunta kaagad sa ospital, at kung maiwasan ay huwag umalis ng bahay.
■Makakatulong magdala ng “Multilingual Medical Questionnaire” kapag magpunta sa ospital o medikal na institusyon.
http://www.kifjp.org/medical/
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa
-
