配信日
2018年12月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT18-29] JICHI-KAI, CHONAI-KAI (Asosasyon ng Magkakapit-bahay)
Ang bawat komunidad sa Japan ay may samahan o asosasyon ng mga magkakapitbahay na tinatatawag na CHOUNAI-KAI o JICHI-KAI.
Ang samahan na ito ay nagpapalibot ng mga patalastas na tinatawag na KAIRAN-BAN para sa pagpapalaganap ng mga impormasyon mula sa munisipyo o pampublikong sentro ng kalusugan o HOKENJO, nagsasagawa ng mga aktibidad tulad ng mga hakbang
sa pagpuksa ng mga krimen, pagsasanay sa pag-iwas sa sakuna, pagdiriwang ng mga pista at iba pang mga gawaing para sa mga residente.
Ang mga aktibidad nila ay isinasagawa sa pamamgitan ng kontribusyon ng mga residente. Ang mga residente ng komunidad ay maaaring maging myembro nito.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ