配信日
2019年03月12日
配信先グループ
Tagalog
[IKT18-39] "Abiso sa Pag-lipat ng Tirahan" at "Abiso sa Pag-alis sa Tirahan"
Sa paglilipat sa bagong tirahan, kailangan magsumite ng "Abiso ng Pag-alis sa Tirahan" sa tanggapan ng lungsod na pinanirahan.
Kahit na lilipat sa ibang bansa, kailangan rin magsumite ng "Abiso ng Pag-alis sa Tirahan". Magsumite naman ng "Abiso ng Paglipat ng Tirahan"
sa lokal na tanggapan ng lungsod ng bagong tirahan sa loob ng 14 na araw mula pagkalipat. Kailangan rin gawin ang proseso sa pagbabago ng tirahan
o address sa "My Number Card" at "Notification Card".

■ Mga Dokumento na Kailangang Dalhin
Mga dokumento ng pagpapatunay ng pagkakakilanlan o identification.
Orihinal na kopya ng sertipiko ng paglipat na ibinigay ng lungsod ng nakaraang tirahan.
"Notification Card" ng sistema ng "My Number" at maaari rin ang "My Number Card", o "Juki Card".
Residence Card o Special Permanent Residence Certificate.
Kapag ibang tao ang magsasagawa ng proseso, kailangan ang kopya ng authorization letter (ininjou).
National Health Insurance Card (hokensho), etc.

Mangyaring tingnan ang sumusunod na website: Ministry of Internal Affairs and Communications "For Foreign Residents"
http://www.soumu.go.jp/menu_kyotsuu/important/kinkyu02_000123.html
(Wikang Hapon, Ingles, Intsik (Simple at Tradisyonal), Koreyano, Espanyol, Portuges)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ