配信日
2019年06月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-9]【KOUTOUGAKKOUTOU SHUUGAKKU SHIENKIN (Tulong na Pananalapi para sa Pagpasok sa Senior High School)】
Mayroong tinatawag na SHIENKIN/tulong na pananalapi para sa matrikula ng mga mag-aaral na pumapasok sa senior high school na hindi na kailangang pagbayaran.
Kinakailangan ang SHINSEI/aplikasyon. Ang aplikasyon para sa mga mag-aaral sa unang baytang (first year) ay sa buwan ng Abril, at sa mga mag-aaral sa ikalawa at ikatlong baytang (2nd at 3rd year) ay buwan ng Mayo hanggang Hunyo.
Mula 2019, kailangang i-sumite ng mga magulang ng dokumento na magpapakita ng MY NUMBER sa pag-apply.
Mangyaring punan ang application form ng KOUTOUGAKKOUTOU SHUGAKKU SHIENKIN JUKYUU NINTEI SHINSEISHO na matatanggap mula sa paaralan.

Pagkamarapat: Ang taunang kita ng pamilya ng mag-aaral ay hindi hihigit sa \9,100,000 at ang binayaran ng magulang na JUMINZEI/buwis ng residente ng nakaraang taon ay hindi hihigit sa \507,000.
Saan mag-aaply: Sa paaralan na pinapasukan
Mga kailangang dokumento: Isa sa mga sumusunod: MY NUMBER CARD,TSUUCHI CARD, JUMINHYOU (rehistrasyon ng paninirahan) (kasama ang MY NUMBER)
Sanggunian: Para sa pampublikong mataas na paaralan, Kanagawa Prefecture Education Bureau Financial Affairs Division (Tel: 045-210-8113)
Para sa pribadong mataas na paaralan, Private School Affairs Division (Tel: 045-210-3793)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ