配信日
2019年11月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT19-27]【Pagsubok ng Night-time Junior High School】
Ang Night-time junior high school ay paaralan ng junior high school na pang-gabi.
Ang mga estudyante ay nag-aaral dito ng mga subject o kung anong pinag-aaralan sa junior high school gamit ng Nihongo.
Hindi ito paaralan sa pag-aaral ng wikang Hapon.
Dito nag-aaral ang mga hindi nakapagtapos ng kinakailangang edukasyon o compulsory education.
Maaring mag-aral din dito ang mga dayuhan.

Upang mararanasan ang mga klase sa night-time junior high school, ang Kanagawa Prefectural Board of Education ay magsasagawa ng isang kaganapan
na magbibigay ng trial class o pagkakataon sa mga taong nais pumasok sa night-time junior high school na ang edad ay mas higit pa sa mag-aaral sa junior high school.

Petsa: November 21, Thursday
Oras: 6:45pm-8:00pm
Lugar: Kanagawa Sougou Sangyou Koutou Gakkou (Sagamihara-shi Minami-ku Bunkyo 1-11-11)
Paraan ng Pagpunta: Odakyu Line, 10 minutong lakad mula sa Sagamiono station
Paraan ng Pag-apply: Tumawag o magpadala ng e-mail. Mangyaring ipaalam ang inyong pangalan, edad, tirahan at telepono.
Tel: 045-210-8292
e-mail: fm4027.vtz@pref.kanagawa.jp

Para sa mga gustong manood lamang ng klase at hindi makikilahok sa trial class, hindi na kailangang mag-apply.
Mayroong ipapalabas na pelikula bago simulan ang trial classes. (5:30pm-6:30pm)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ