配信日
2020年07月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-15]【Paggamit ng smartphone o car navigation habang nagmamaneho, higit na mabigat na parusa o multa ang ipapataw】
Sa Japan, patuloy na tumataas ang bilang ng aksidente na dulot ng paggamit o pagtingin sa screen ng smartphone o car navigation system habang nagmamaneho.
Ang pakikipag-usap gamit ang smartphone, paggamit at pagtingin ng screen ng smartphone o car navigator habang nagmamaneho ay maaring lumalabag sa batas.
Hindi lamang habang nagmamaneho ng kotse, kundi ganoon din sa pagmamaneho ng motorsiklo o bisikleta.
Naging higit na mabigat ang parusa sa paglabag sa batas na ito, mula noong Disyembre ng nakaraang taon upang mabawasan ang aksidente.
Mapanganib ang paggamit ng smartphone o car navigation habang nagmamaneho ng sasakyan, motorsiklo o bisikleta kaya huwag gawin ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa parusa, mangyaring tingnan ang sumusunod na website.
https://www.gov-online.go.jp/useful/article/201707/2.html (Wikang Hapon)

Para sa mga katanungan, mangyaring tumawag sa Gabay sa Iba't-ibang Wika sa Kanagawa.
045-316-2770
Para alamin ang mga suportadong wika, tingnan sa sumusunod na website.
http://kifjp.org/kmlc/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ