配信日
2020年11月05日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-26]【Bakuna para sa Influenza】
Sa panahon ng taglamig ng taong ito(2020), nakakabahala na maaaring sabay-sabay na pagkakaroon ng paglaganap ng COVID-19 at influenza.
Dahil dito, maaaring maraming tao ang magpapabakuna laban sa influenza.
Sa taon na ito, inilaan ang pinakamataas na bilang ng bakuna kumpara sa mga nakaraang taon (sapat para sa 63 milyong katao), ngunit kung nais magpabakuna para sa influenza, mangyaring magpagawa nito sa lalong madaling panahon.
Mangyaring tumawag sa ospital o medikal na institusyon para makapagpareserba ng pagpapabakuna para sa influenza.
Ang bakuna ng influenza ay epektibong paraan para maiwasang lumubha ang sakit, ngunit hindi ito ganap na paraan para mapipigilang magkaroon ng sintomas.
At maaari rin makakaramdam ng reaksyon o epekto pagkatapos magpabakuna depende sa kondisyon ng katawan at iba pang dahilan.
Mangyaring kumonsulta sa inyong doktor bago magpabakuna, at kung may kakaibang karamdaman pagkatapos ng pagpapabakuna, kumonsulta sa medikal na institusyon.
Kung mayroong anumang katanungan, tumawag sa "Multilingual Support Center-Kanagawa".
Tutulungan namin kayo sa inyong mga katanungan.

Multilingual Support Center-Kanagawa
045-316-2770
http://kifjp.org/kmlc/tag/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ