配信日
2020年11月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT20-28]【Mensahe Mula Sa Gobernador NG PREPEKTURA NG KANAGAWA】
Noong ika-14 ng Nobyembre 2020 ang Gobernador ng Prepektura ng Kanagawa ay nagpalabas nang mga sumusunod na mensahe.
Ipapahayag ito sa INFO KANAGAWA.

(Ang sumusunod ay mensahe mula sa Gobernador.)
Ang impeksyon ng tinaguriang 3rd wave ng COVID-19 ay kumakalat sa buong bansa. Kahit sa Prepekturang ito, kahapon at noong nakaraang isang araw, 140 katao ang naitalang bilang nang mga panibagong nahawaan ang nangyari.
Ang katayuan ng impeksyon sa Prepekturang ito ay nasa stage 2 (ang pagtaas ng impeksyon), kung magpapatuloy ang kasalukuyang kalakaran, malamang na umabot sa stage 3 (ang mabilis na pagtaas ng impeksyon), at ipinapalagay na magkakaroon ng kakulangan ng mga kama sa mga institusyong medikal.
Kaya’t ang Prepektura sa ngayon, ay nag-isyu ng isang medical alert na humihiling sa mga institusyong medikal na tumatanggap nang may COVID-19 na magkaroon ng bed expansion.
Sa kabilang banda, bukod sa COVID-19 na paggagamot ay maayos ding tutugunan, kaya sa lahat nang mamamayan ng Prepektura, siguraduhing magpatingin kung kinakailangan na magpagamot o kaya ay medikal na pagsusuri (eksaminasyon). Ang pagpapagamot at medikal na pagsusuri (eksaminasyon) ay huwag pag-atubilihan.
Upang mabawasan ang pasanin sa sistemang medikal, kinakailangan na huwag madagdagan ang bilang ng mga nahawaan. Gayunpaman, sa kasalukuyang pangyayari, iba’t-iba ang ruta ng impeksyon, kumakalat sa lahat ng edad, kaya po bawat-isa sa ating mga mamamayan ng Prepektura, patuloy na magkaroon ng matinding awareness na merong mga virus kahit saan, magiging “susi” po ang lubusang pag-iingat.
Simula ngayon, kapag sa hinaharap ay mag-deklarang “State of Emergency (Kinkyu Jitai Sengen)” sa stage 3 o stage 4, ay may posibilidad na isaalang-alang ang matinding hakbang gaya nang maaaring humiling na pigilan ang paglabas (Gaishutsu Jishuku) o kaya ay humiling ng bakasyon (Kyugyo Yosei) at iba pa.

Para hindi mangyari ang ganitong sitwasyon, nais kong hilingin sa mga mamamayan ng Prepektura at mga negosyante na gawin ang mga sumusunod na 4 na hakbang, lubusang ipatupad ang mga pangunahing hakbang sa pag-iwas sa impeksyon.

•Tamang pagsuot ng mask
•Pagdidisimpekta ng alkohol
•Gumamit ng acrylic plate, at iba pa
•Bentilasyon at distansiya, at bilang karagdagan sa taglamig ay pang-halumigmig (air humidifier)

Bilang karagdagan, mangyaring ipagpatuloy ang pagpapatupad nang telework at staggered commuting (Jisa Shukkin) na mga pagsisikap para maiwasan ang maraming tao. Sa mga mamamayan ng Prepektura, mangyaring huwag pumunta sa mga tindahan o kainan man na walang nakapaskil na abiso nang mga hakbang sa pag-iwas sa impeksiyon.
Mula ngayon patungo sa katapusan ng taon ay panahon na magdaragdag ang mga pagtitipon na kainan. Sinasabing ang pagtitipon na may inuman at pagkain at pag-inom nang mahabang oras nang maraming bilang nang mga taong may sapat na gulang ay mataas ang peligro nang hawaan ng impeksyon Kung hindi mapipigilan ang pagtiripong may inuman na may maraming bilang nang mga taong may sapat na gulang, kung magtitipon ay gumamit ng mask sa oras na hindi kumakain o umiinom (pagtitipong naka-mask), mangyaring isagawa po natin bilang isang bagong kabutihang asal. Ang Prepektura din ay isinasaalang-alang ang hakbang na maikalat ang “pagtitipong naka-mask”.
Upang mapagtagumpayan ang mahirap na sitwasyong ito, humuhiling kami nang inyong pang-unawa at kooperasyon para makaiwas sa mga impeksyon sa buong Prepektura.

Ika-14 ng Nobyembre, 2020 
Gobernador ng Prepektura ng Kanagawa Yuji Kuroiwa


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ