配信日
2021年10月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT21-26]【Pang-aabuso sa Bata at Konsultasyon tungkol sa Karahasan sa Tahanan】
Ang prepektura ng Kanagawa ay lumikha ng polyeto na nakasalin sa maraming wika upang masugpo ang pisikal na pananakit sa mga bata.
Mayroon ding mga polyeto na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lugar ng konsultasyon para sa mga bata at nagpapaliwanag hinggil sa pang-aabuso sa mga bata.
Ang mga polyeto ay nakasalin sa mga sumusunod na wika: Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Tagalog, Thai, Vietnamese, Cambodian, Lao

Mayroon ding polyeto na nagpapaliwanag ng epekto sa mga bata na idinudulot ng karahasan sa tahanan: "Sa palagay ba ninyo, ang away ng mag-asawa ay hindi makaka-apekto sa mga bata?"
Ang polyetong ito ay nakasalin sa wikang Ingles at Intsik.

Ang mga mapa ng "Sentro pang-konsultasyon para sa mga Bata" o "JIDOU SOUDANJO" sa prepektura ng Kanagawa ay nakasalin rin sa maraming wika.
Kung mayroon mga suliranin tungkol sa pangangalaga ng anak, mangyaring kumonsulta sa "Sentro pang-konsultasyon para sa mga Bata" o "JIDOU SOUDANJO".
Walang babayaran sa konsultasyon.
Walang tagasalin ng wika.
https://www.pref.kanagawa.jp/docs/w6j/otherlanguage/otherlanguage.html?fbclid=IwAR1JqzusiuHTANy24iuy7XwAxhTKt7q3rrr8U5XsqTEZqbRnOAz8HwgHpg

Mayroong mga lugar ng na maaaring kumonsulta sa telepono tungkol sa karahasan sa tahanan o domestic violence sa pamamagitan ng iba't-ibang wika.

[Spousal Violence Counseling Support Center sa Prepektura ng Kanagawa]
090-8002-2949
Lunes - Sabado / 10:00AM-5:00PM

Suportadong wika: Ingles, Intsik, Koreyano, Espanyol, Portuges, Tagalog, Thai, Vietnamese

Kung nais kumonsulta sa pamamagitan ng ibang wika, o mayroong anumang katanungan, mangyaring tumawag sa [Kanagawa Multilingual Support Center].
https://kifjp.org/kmlc/tag/
045-316-2770


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ