配信日
2022年07月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT22-10]【Mag-ingat sa Heat Stroke!】
Mainit na ang panahon. Mag-ingat sa heat stroke!
Mayroong flyer na nagpapaliwanag kung paano maiwasan ang heat stroke, at ito ay nakasulat sa maraming wika.
Mangyaring tingnan dito.
https://www.mhlw.go.jp/seisakunitsuite/bunya/kenkou_iryou/kenkou/nettyuu/nettyuu_taisaku/pamph.html


●Tungkol sa Face Mask
Kapag suot ang face mask, dahil hindi kaagad tumatakas ang init mula sa balat, maaaring mas madaling makakaranas ng heatstroke.
Ihinayag ng Ministry of Health, Labour and Welfare na maaring tanggalin ang face mask sa labas ng mga gusali.
Lalo na kapag nag-eehersisyo, tanggalin ang face mask.
Ngunit, kapag may kausap na wala pang 2 metro ang layo, pakisuot ang face mask.
Gayundin, mag-rehydrate nang madalas kahit hindi nakakaramdam ng uhaw.

●Tungkol sa Paggamit ng Aircon
Makakatulong ang aircon upang maiwasan ang heat stroke.
Gayunpaman, bilang pag-iwas sa Covid-19, mag-ventilate nang madalas kahit ginagamit ang aircon.
Tataas ang temperatura ng silid matapos ang pag-ventilate, kaya i-adjust muli ang temperatura tulad ng pag-baba ng setting ng aircon.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ