配信日
2024年02月02日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-32]【Final Income Tax Return “KAKUTEISHINKOKU”】
Ang Final Income Tax Return o “KAKUTEISHINKOKU” ay ang proseso ng pagpapaalam sa Tanggapan ng Buwis ang halaga ng buwis sa kinita base sa kalkulasyon ng kinita sa isang taon (mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2023) .
Bagama’t ang mga may sariling negosyo ang pangunahing nagsusumite ng Final Income Tax Return, may mga sitwasyon din kung saan ang mga empleyado ng kumpanya ay nangangailangan magsumite nito.
Walang abisong matatanggap mula sa Tanggapan ng Buwis, kaya kusang gawin ito.

● Halimbawa ng nangangailangang magdeklara ng Final Income Tax Return
・Ang suweldo o kita ay higit sa 20 milyong yen
・Maliban sa suweldo ay kumikita ng mahigit sa 200,000 yen sa real estate o iba pang pangkabuhayan
・Tumatanggap ng suweldo sa dalawang kumpanya o higit pa
・Gumastos ng mahigit sa 100,000 yen sa panganganak o pagpapaospital, kasama na ang mga gastos tulad ng transportasyon sa pagpunta sa ospital
・Magkakaroon ng pagbabawas sa buwis dahil sa pagbabayad ng housing loan sa unang pagkakataon
・Hindi naisaayos sa kumpanya ang pagdeklara ng buwis ng kita sa katapusan ng taon o year-end adjustment

● Halimbawa ng hindi kailangang magsagawa ng Final Income Income Tax Return
・Empleyado ng kumpanya na nagpasa na ng year-end adjustment at wala nang kailangang ibabawas sa buwis
・Mga taong walang kinita
・Mga taong mas malaki ang ibabawas sa buwis sa kita kaysa sa halaga ng kinita
・Mga taong tumatanggap ng pampublikong pensiyon na 4 na milyong yen o mas mababa at maliban sa pensiyon ay kumita ng 200,000 yen o mas mababa.

● Huling araw ng pag-file ng Final Income Tax Return
Hanggang ika-15 ng Marso, 2024 (Biyernes)

● Lugar ng Pagsumite
・Lokal na Tanggapan ng Buwis
・Maari ring gawin online
https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tokushu/r04junbi/index.htm 

● Mayroong manual para sa mga dayuhan
(Ingles)https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tebiki/2022/pdf/061.pdf
(Chinese)https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tebiki/2022/pdf/062.pdf
(Vietnamese)https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tebiki/2022/pdf/064.pdf
(Portuguese)https://www.nta.go.jp/taxes/shiraberu/shinkoku/tebiki/2022/pdf/065.pdf

● Mababasa ang tungkol sa Final Income Tax Return sa iba’t ibang wika.
Tingnan sa Ika-8 Kabanata ng guidebook.
(madaling maintindihang Japanese)https://www.moj.go.jp/isa/content/930004713.pdf
(Ingles) https://www.moj.go.jp/isa/content/001297615.pdf 
(Chinese)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005833.pdf
(Espanyol)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005837.pdf
(Portuguese)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005841.pdf
(Tagalog)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005835.pdf
(Vietnamese)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005834.pdf
(Nepali)https://www.moj.go.jp/isa/content/930005836.pdf


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ