配信日
2024年02月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-34]【Huwag bumaba sa riles ng tren】
Huwag na huwag bumaba sa riles ng tren kahit na may nahulog na gamit.
Napakamapanganib ito dahil maaaring makuryente o masagasaan ng tren.

●Kapag may nahulog na bagay sa riles
Magbigay-alam agad sa kawani ng istasyon.
Ang kawani ng istasyon ang kukuha ng nahulog na gamit, pagkatapos niyang siguraduhin ang kaligtasan.
May mga intercom sa platform sa ilang mga istasyon upang tatawagin ang kawani ng istasyon.
Tandaan, iwasan pindutin ang emergency stop sa ganitong sitwasyon.

●Kapag may taong nahulog sa riles ng tren
Kapag may banta sa buhay ng tao, tulad ng may taong nahulog sa riles, pindutin agad ang emergency stop.
Sa pagpindot ng emergency stop button, pupunta agad ang kawani ng istasyon sa platform at titigil ang paparating na tren.
Tandaan na huwag pumindot ng emergency stop button kapag hindi kailangan, at ang maling pagpindot nito ay maaaring patawan ng multa.


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ