配信日
2024年03月07日
配信先グループ
Tagalog
[IKT23-35]【Mga bagay na dapat pag-ingatan kapag naputol ang suplay ng tubig sa panahon ng sakuna】
Sa panahon ng malakas na pag-ulan o lindol, maaring maputol ang serbisyo ng tubig.
Mangyaring mag-ingat sa mga sumusunod kapag nawalan ng suplay ng tubig.

①Magsara kaagad ng main valve ng tubig. Pihitin pakanan ang main valve upang maisara ito. Ito ay upang maiwasan ang pagpasok ng putik at maruming tubig sa tubo ng inyong bahay.

②Huwag i-flush ang tubig sa palikuran. Maaring bumalik at umawas ang maruming tubig sa inyong palikuran, kung may sira ang tubo ng poso-negro.

③Kapag pupunta sa water station, magdala ng backpack o trolley (bag na may gulong), para maiwasan sumakit ang inyong balakang dahil sa pagbuhat ng malaking container o gallon ng tubig.

Mayroong isang website kung saan maaaring basahin ang mga balita at impormasyon sa pag-iwas sa sakuna sa iba’t-ibang wika.
“Website Links for Multilingual News & BOSAI Info”
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/multilingual_links/

Reference:NHK NEWSWEB
https://www3.nhk.or.jp/news/special/saigai/basic-knowledge/basic-knowledge_20230704_02.html


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”.
Pagpa-parehistro / mangyaring magpakansel dito.
https://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ