配信日
2015年01月19日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-44]Pagtanggap ng mga Mag-aaral sa Bokasyonal at Teknikal na Paaralan sa Prepektura para sa pasukan ng Abril, 2015
Tumatanggap ng mga mag-aaral ang mga bokasyonal at teknikal na paaralan sa Yokohama (East campus) at Hatano (West campus).
Matututuhan ng mga teknikal na kaalaman na magagamit sa pagtrabaho. May mga kurso sa automobile mechanic, landscaping, elektrikal, nursing home cooking at iba pa. Mayroong admission test (Math, Japanese, Interview). Ang entrance test at lahat ng klase ay isasagawa gamit ang wikang-Hapon.

■Takdang panahon: 2 taon, 1 taon, 6 na buwan
■Gastos sa Pag-aaral: May bayad ang kursong pang-2 taon at 1 taon. Walang bayad ang kursong pang-6 na buwan at ilan sa mga kursong pang-1 taon. Gayunpaman, kailangang magbayad ng sariling aklat, at uniporme at iba pang mga gastusin.
■Huling araw ng aplikasyon: Peb. 2, 2015 (Lunes)
■Petsa ng Admission Test: Peb. 15, 2015 (Linggo)
■Petsa ng Pagpahayag ng mga Nakapasa: Peb. 26, 2015 (Huwebes)
■Unang araw ng Pasukan: Abril 7, 2015 (Martes)
■Orientasyon:
Enero 17, 2015 (Sabado) 13:30~/15;00~)Kanagawa Kenmin Center ( 5 minutong lakad mula Yokohama station)
■Try-out: Maaaring subukan at maranasang umatend ng klase. Mangyaring tumawag at magpatala ng isang araw bago araw ng try-out, hanggang 17:00. (Maliban sa Sabado, Linggo at holiday)

(East campus) Enero 16, 23, 30, 2015 (Biyernes lahat) 10:00~at 13:00~ TEL: 045-504-2810
(West campus) Enero 13/ 27, 2015 (Martes pareho) 10:00~at 13:00~ TEL: 0463-80-3002

Alamin ang mga karagdagang impormasyon sa sumusunod na website.
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f360926/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ