配信日
2015年02月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-49]Para sa lahat ng magiging 1st year Senior High School mula buwan ng Abril
「Mag-aplay para sa Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral (Shuugaku Shien Kin).

<Ano ang programang Tulong-Pantustos para sa High School?>

 「Kapag nag-aplay sa programang Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral, maaring buo o bahagi ng matrikula sa mataas na paaralan (pribado o pampubliko) ay babayaran ng pamahalaan.
Kapag hindi nag-aplay, kinakailangang pansariling bayaran ang buong matrikula.
Mangyaring sumangguni sa papasukang mataas na paaralan tungkol sa paraan ng pag-aplay.

■Nararapat: Ang Municipal graded income tax (Shotokuwari) ng magulang (o guardian) ay mababa sa \304,200, at mas mababa sa \9,100,000 ang kita (annual estimate) ng pamilya ng mag-aaral na papasok sa mataas na paaralan (pribado o ppampubliko) mula Abril, 2015.
■Paraan ng Pag-aplay: Isumite ang Application form at Tax certificate sa mataas na paaralan mula Marso hanggang Abril.
■Sanggunian (Hapon)
Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral sa High School (pampublikong paaralan)
Prefectural Education Financial Affairs Division TEL: 045-210-8251
Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral sa High School (pribadong paaralan)
Prefectural Bureau Private School Promotion Division TEL: 045-210-3793

<Ref> Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology website
(Tagalog)
http://www.mext.go.jp/component/a_menu/education/micro_detail/__icsFiles/afieldfile/2014/03/13/1344718_072.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ