配信日
2015年03月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-55]Para sa mga magiging 1st year Senior High School student mula buwan ng Abril
Mangyaring isagawa ang aplikasyon ng [Tulong-pantustos para sa Pag-aaral].

<Sistema ng Tulong-pantustos para sa pag-aaral sa High school (Shuugaku shienkin seido)>.
Kapag nag-aplay sa programang Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral, maaring buo o bahagi ng matrikula sa mataas na paaralan (pribado o pampubliko) ay babayaran ng pamahalaan.

Kapag hindi nag-aplay, kinakailangang pansariling bayaran ang buong matrikula.

Mangyaring sumangguni sa administration office ng papasukang mataas na paaralan tungkol sa paraan ng pag-aaplay.

■Nararapat: Ang pamilya ng mag-aaral na papasok sa mataas na paaralan (pribado o pampubliko) mula Abril, 2015 ay maaaring mag-aplay kapag ang Municipal graded income tax (Shotokuwari) ng kanilang magulang ay mababa sa \304,200, o ang kita (annual) ng pamilya ay mga \9,100,000 o pababa.
■Paraan ng Pag-aplay: Isumite ang Application form at Tax certificate sa mataas na paaralan mula Marso hanggang Abril.
■Sanggunian (Hapon)
Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral sa High School (pampublikong paaralan)
Prefectural Education Financial Affairs Division TEL: 045-210-8251
Tulong-Pantustos para sa Pag-aaral sa High School (pribadong paaralan)
Prefectural Bureau Private School Promotion Division TEL: 045-210-3793

http://www.pref.kanagawa.jp/uploaded/life/888661_2741388_misc.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ