配信日
2015年03月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT14-56]Gabay ng Kamome Salon para sa mga dayuhang caregiver na nagtatrabaho sa prepektura ng Kanagawa
Mayroong lugar na sumusuporta sa pag-aaral at pakiki-halubilo (exchange salon) para sa mga dayuhang nagta-trabaho bilang caregiver sa prepektura ng Kanagawa at mga manggagawang napapailalim ng EPA.

■Petsa: Abril 11, 2015 (Sabado) 17:00~20:00 / Kanagawa Kenmin Center 3F Room 303 (5 minutong lakad mula sa west exit ng Yokohama station)
■Nilalaman:
Suporta sa Pag-aaral (2 oras): Paraan ng pagsusulat ng talaan, plano ng pangangalaga, communication skills sa pangangalaga at pang-araw-araw na pakikipag-usap sa wikang Hapon.
Salon (1 oras): Pagkonsulta tungkol sa mga suliranin at pag-uusap ng mga dumalo habang nagmemeryenda.
■Kapasidad: 30 katao
■Pagtanggap: first-come, first- served
■Bayad: \500/1 beses (gastos para sa meryenda)
■Sanggunian: Yokohama International College of Social Welfare
E-mail: info@yicsw.ac.jp
TEL:045-972-3294

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ