配信日
2015年06月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT15-11]Sisimulan ang Scholarship Program para sa mga kabataang naglalayong maging Nursery School Teacher
Kanagawa International Foundation (KIF) at Yokohama YMCA ay magkakasamang magsisimula ng Scholarship Program. Susuportahan ang mga kabataang may dayuhang lahi na naglalayong maging Nursery School Teacher at maging aktibo sa mga gawain sa komunidad. Ito ay scholarship na ibininigay nang libre.(Hindi na kailangang isauli).

〈Open Campus at Pagtatagubilin hinggil sa Scholarship〉
Hunyo 13 (Sabado ng Hapon) (Atsugi)
Hunyo 20 (Sabado ng Umaga) (Totsuka, Atsugi)
Hunyo 27 (Buong araw ng Sabado) (Atsugi)
Hulyo 4 (Sabado ng Hapon) (Atsugi)
Hulyo 11 (Sabado ng Umaga) (Atsugi)
Hulyo 24 (Biyernes ng Umaga) (Totsuka)
Hulyo 25 (Buong araw ng Sabado) (Atsugi)
Hulyo 31 (Buong araw ng Biyernes) (Totsuka)

Mangyaring tingnan ang sumusunod na website upang malaman ang pagkamarapat at iba pang karagdagang impormasyon hinggil sa scholarship.
http://www.yokohamaymca.ac.jp/top/foreign_scholarship/


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ