配信日
2015年07月13日
配信先グループ
Tagalog
[IKT15-21]Sistema ng Tulong-Pantustos para sa Pag-aral sa Mataas na Paaralan (Senior High School)
Mula Abril 4, 2014, nagbago ang paraan ng tulong-pantustos para sa matrikula sa paaralan ng mga mag-aaral sa unang baytang ng mataas na paaralan (senior high school).
Sa bagong Sistema ng Tulong-pantustos, kapag naisagawa ang aplikasyon, susuporta ang pamahalaan sa pagbabayad ng bahagi o buong halaga ng matrikula sa mataas na paaralan (pampubliko o pribadong paaralan).
Kapag hindi naisagawa ang aplikasyon, kailangang bayaran ng pansarili ang buong halaga ng matrikula ng paaralan.
Para sa mga mag-aaral sa unang baytang ng taong ito, nagkaroon na ng pagsagawa ng aplikasyon noong pang buwan ng Abril, subali’t mayroon pang muling aplikasyon para sa matrikula mula Hulyo, 2015 hanggang Hunyo, 2016. Maaring mag-apply ngayon ang mga hindi nagsagawa ng aplikasyon noong buwan ng Abril.

■Nararapat: Mag-aaral na nasasakop ng mga sumusunod na kondisyon.
1. Mag-aaral sa unang baytang ng mataas na paaralan o senior high school (pampubliko o pribado) mula Abril, 2015 at mag-aaral sa mataas na paaralan o senior high school (pampubliko o pribado) na nag-aral mula Abril, 2014.
2. Ang City/Town/Village Resident tax per-income tax basis (Shichouson minzei shotoku warigaku) sa fiscal year ng 2015 ng magulang o tagapag-alaga ay dapat higit na mababa sa halagang 304,200 yen.

■Paraan ng Pag-apply: Isumite sa mataas na paaralan ang application form at dokumentong magpapatunay ng Resident tax per-income tax basis (shichouson minzei shotoku warigaku) ng fiscal year ng 2015.
Upang malaman ang paraan at deadline ng pag-apply, mangyaring magtanong sa opisina o tanggapan ng paaralan (senior high school).

<Sanggunian>Tulong-pantustos para sa Pag-aaral sa Mataas na Paaralan ‘Senior High School)
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f7102/p811893.html
(Ingles, Intsik, Koreyano, Vietnamese, Espanyol, Portuges, Thai, Tagalog, Nepalese, Cambodian)


※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ