配信日
2015年07月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT15-23]Paalala hinggil sa mga Benepisyo
Mayroong 2 uri ng benepisyong maaring matanggap ngayong taong ito. Mangyaring magtanong at tiyakin ang mga kondisyon sa pagtanggap nito sa munisipyo ng lungsod o bayan na pinaninirahan.

<Temporary Special Benefit para sa mga Pamilyang may Bata>
Makakatangap ang pamilyang may bata ng halagang 3,000yen sa bawat bata.Gayunpaman, hindi makakatanggap ng nasabing benepisyo ang mga batang ipinanganak bago Abril 1, 2000 at ipinanganak mula sa petsa ng Hunyo 1, 2015.
Mayroong pagbabatay sa kita at naiiba ang paraan ng pag-apply ayon sa lungsod o bayan. Makakatanggap ng application form kapag nagsimula na ang tanggapan ng aplikasyon.

<Temporary Welfare Benefit>
Makakatangap ng 6,000yen bawat taong mababa ang kinikita. Padadalhan ng tanggapan ng lungsod o bayan ng application form ang mga taong nararapat bigyan ng benepisyo.

■Ministry of Health, Labor and Welfare(wikang Hapon lang) http://www.2kyufu.jp/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ