配信日
2015年07月27日
配信先グループ
Tagalog
[IKT15-24]Mag-ingat sa Heat stroke
Mag-ingat sa heat stroke kapag nakaramdam ng biglang pag-init habang nagtatrabaho o nag-eehersisyo sa mga lugar na mainit at mahalumigmig.
Sa heat stroke, tumataas ang temperatura ng katawan, makakaramdam ng matinding pagod ng katawan, pagkahilo at pagsakit ng ulo. Malubhang epekto nito ay magdudulot ng kapansanan o maaring ikamatay.
Madaling ma-apektuhan ng heat stroke ang mga bata at matatanda. Kailangang lalo silang pag-ingatan.

<Upang makaiwas sa Heat stroke>
■Ugaliing laging uminom ng tubig at kumain ng pagkaing may sapat na alat (ugaliing uminom ng tubig kahit na hindi nauuhaw).
■Magsuot ng preskong damit.
■Kapag nasa labas, maglakad sa malilim na lugar at gumamit ng sombrero o payong.
■Kapag nasa loob ng bahay, buksan ang bintana o buksan ang airconditioner upang maging presko ang paligid.

※Maaring kumonsulta tungkol sa mga karamdaman tulad ng heat stroke at mga medikal na institusyon sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa iba’t-ibang wika.
Mayroon ding suporta ng tagasalin ng wika sa pagtawag sa mga medikal na institusyon.
AMDA International Medical Information Center TEL: 03-5285-8088
■Ingles, Thai, Intsik, Koreyano,Espanyol: Lunes~Linggo(9:00~20:00)
■Portuges: Lunes, Miyerkules, Biyernes(9:00~17:00)
■Tagalog: Miyerkules(13:00~17:00)
■Vietnamese: Mangyaring makipag-ugnay.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ