配信日
2012年08月01日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-18]Summer Holiday Homework Support Classrooms (Silid-aralan para sa araling-bahay ngayong bakasyon)
Mayroon mga Educational Support Classrooms o silid-aralan na sumusuporta sa pag-aaral ng mga bata at mga araling-bahay o homework galing sa paaralan.
Mayroon din mga Homework Support Classrooms na magbubukas ngayong summer holiday o bakasyon.
<Natsu no Kyoushitsu (Summer Classrooms) / Yukka no Kai>
■Petsa: Agosto 11 (Sabado) -12 (Linggo)
■Oras: 13:00-16:00
■Lugar: Kanagawa Kenmin Center (5 minutong lakad mula sa Yokohama station)
■Mag-aplay sa: 045-922-4987 ( Tagapamahala: Iwamatsu)

<Summer Holiday Homework Support Classrooms / Tsurumi International Lounge>
■Petsa: Agosto 21 (Martes) -25 (Sabado)
■Oras: 10:00-12:00
■Lugar: Tsurumi International Lounge (1 minutong lakad mula sa Tsurumi station (JR Keihin Tohoku) at Keihin Tsurumi station (Keihin Kyuko Line)
■Palugit ng Pag-aplay: Agosto 5 (Linggo)
■Mag-aplay sa: Tsurumi International Lounge TEL: 045-511-5311

Maaaring makahanap ng malapit na classroom sa inyong tirahan sa nakatalang homepage sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/classroom/
Maghanap at pumili ng “学習補修教室(Tutorial Classrooms)” mula sa 3 silid-aralan sa kaliwang bahagi ng homepage.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ