配信日
2016年05月27日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-10]Pagsusuri ng Kalusugan at Bakuna para sa mga Sanggol at Bata
Para sa maayos na pagpapalaki ng mga sanggol at bata, mayroong isinasagawang pagsusuri ng kalusugan at pagbabakuna. Mangyaring sumangguni sa city hall, ward office ng lungsod na pinaninirahan upang matiyak ang petsa at lugar.

□Pagsusuri ng kalusugan ng mga sanggol at bata (Nyuyoji-Kenko shinsa)
Pagsukat ng taas at timbang ng sanggol na mayroong 3~4 buwan, 8~10 buwan, 1 taon at 6 na buwan ang edad at mga batang 3 taon gulang (maaring may pagkakaiba sa bawat lungsod). Mayroong konsultasyon sa doctor at pati check-up ng ngipin.

□Bakuna (Yobo-Sesshu)
Ang pagbabakuna ay iniksyon na isinasagawa upang makaiwas sa nakahahawang sakit.
Mayroong bakunang libre at may bayad naman ang iba. Ang pangkaraniwang bakuna (routine vaccination) ay libre, samantalang, ang voluntary inoculation o bakunang kusang-loob isinasagawa ay may bayad. Mangyaring magpa-reserba lamang sa ospital para magpabakuna.

Nakasalin sa iba’t-ibang wika ang iskedyul ng pagbabakuna ng mga bata at mga nararapat pag-ingatan sa panahon ng pagtanggap at makatapos makatanggap ng bakuna.
Mangyaring maingat na basahin at tiyakin ang nilalaman nito.

“Gabay ng Pagbabakuna para sa mga Magulang na Dayuhan”
<Kanagawa International Foundation>
(Intsik)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_chinese.pdf
(Koreyano)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_hangul.pdf
(Tagalog)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_tagalog.pdf
(Portuges)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_por.pdf
(Espanyol)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_esp.pdf
(Vietnamese)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_viet.pdf
(Ingles)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_eng.pdf
(Thai)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_thai.pdf
(Cambodian)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_cambo.pdf
(Laotian)http://www.kifjp.org/wp/wp-content/uploads/2014/03/yobou20140324_lao.pdf

Sanggunian:
Sa sumusunod na website, nakasulat sa iba’t-ibang wika ang mga uri ng bakuna at takdang panahon ng pagtanggap nito. Mayroong din medical questionnaire form na kung saan sinusulatan ng kalagayan ng bata bago magpabakuna. Mangyaring piliin ang wikang nais gamitin.

<Foundation of Vaccination Research Center>
http://www.yoboseshu-rc.com/index.php?id=8

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ