配信日
2016年07月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-21]Mag-ingat sa Lamok
Ang kagat ng lamok ay maaring maging sanhi ng Dengue fever o Zika fever. Pigilan ang pagdami ng lamok at mag-ingat na hindi makagat nito.
Dumarami ang mga lamok sa pamamagitan ng pangingitlog sa tubig na naipon, tulad ng tubig-ulan na naipon sa mga bote o lata, tubig-gripo na inipon sa mga platito o sa sapin ng paso ng halaman. 

□Paraan ng paglipol ng mga lamok: Huwag mag-ipon ng tubig-ulan. Suriin ang paligid, kapag may nakitang lalagyan na maaring maiipunan ng tubig mula sa ulan, baliktarin ito at alisin ang tubig, ilipat sa ibang lugar na hindi mauulanan, o kaya’y itapon ang mga sisidlan na hindi na kailangan.

□Nararapat gawin para hindi makagat ng lamok: Lagyan ng screen ang mga bintana upang hindi makapasok ang lamok. Magsuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon kapag magpunta sa lugar na maraming halaman upang mabawasan ang nakalantad na balat. Gumamit ng insect repellant.

Mangyaring tunghayan rin ang sumusunod na website.
Yokohama Association for International Exchange and Communications, YOKE(Hapon, Ingles, Portuges)
http://www.yoke.or.jp/admin/more.php?post_id=3082&category=3&language=ja

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ