配信日
2016年08月12日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-26]Mga Sakit sa Tag-init
Pabatid tungkol sa mga sintomas ng mga sakit sa tag-init at pangangalaga ng katawan laban sa mga sakit na ito: pag-ingatan ang kalusugan upang maging masaya sa panahon ng tag-init.

□Pagkalason sa pagkain (food poisoning): magkakaroon ng lagnat at makakaramdam ng pagduduwal at pananakit ng tiyan. ≪Paano maiiwasan≫ ①Kainin agad ang nilutong pagkain ②tiyaking maluto ang karne at isda ③tiyaking laging malinis ang chopping board, kutsilyo, basahan at iba pang kagamitan.

□Heat stroke: dahil sa hindi makayanan ng katawan ang init o taas ng temperatura ng kapaligiran, makakaramadam ng pagkaduwal, pagkahilo,at maaring magkaroon ng lagnat at iba pang sintomas. (Paano maiiwasan) ①Madalas na pag-inom ng tubig o ibang inumin ②gumamit ng air conditioner o electric fan ③iwasan ang paglabas ng bahay sa sa tanghali o kapag matirik ang sikat ng araw.

□Sunburn: ang balat ay mamumula at masakit. Masasabing humuhupa ito sa loob ng 2-3 araw, ngunit maaring lumala at magkaroon ng paltos (blisters) at pamamanas (edema). Kapag nagkaroon ng sunburn, lagyan ng malamig na tuwalya ang bahagi ng balat na apektado at makakabuting gumamit ng moisturizer. Kapag nagkaroon ng lagnat at makaramdam ng panlalamig, mangyaring magpatingin sa dermatologist o skin clinic. ≪Paano maiiwasan≫ ①Gumamit ng sunscreen. ②Iwasang lumabas ng bahay sa mga oras na matirik ang sikat ng araw.

□Kagat ng mga Insekto: ang mga sintomas ay pangangati, pamumula at pagkaramadam ng sakit. Kapag nakagat ng insekto, hugasan at palamigin ang bahaging naapektuhan, at lapatan ng gamot. ≪Paano maiiwasan≫Iwasan ang mga sumusunod: ①ang paglalantad ng balat ②pagsuot ng itim o damit na madilim ang kulay ③ paggamit ng matapang na amoy na pabango o hair spray.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ