配信日
2016年09月20日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-36]Nais mo bang maging miyembro ng komite sa ika-10 Konseho ng Dayuhang Residente ng Kanagawa
Sa Konseho ng Dayuhang Residente ng Kanagawa, ang mga dayuhang residente ay nagpupulong upang magbigay ng kanilang opinyon sa Prepektura ng Kanagawa. Ang mga napagusapan sa pulong ay iuulat sa Gobernador ng Kanagawa. Ang Pulong ay ginaganap sa salitang Hapon lamang.

●Takda ng Panunungkulan: dalawang (2) taon at kalahati mula Nobyembre 2016
●Bilang ng Pulong: Isang beses kada dalawang (2) buwan
●Kuwalipikasyon: Kailangang na-aangkop sa ①②③. 
①May dayuhang nasyonalidad (Ang mga nakakuha ng nasyonalidad na Hapon na manlilikas(Refugee) ay maari ring sumali )
②May edad na 18 anyos pataas sa Abril 1, 2016.
③May mahigit nang isang (1) taon na naninirahan, nagtratrabaho o nag-aaral sa loob ng Prepektura sa Abril 1, 2016.
●Paraan sa Pagsali: I-download ang application form mula sa website at ipadala sa International Division, Opisina ng Prepektura ng Kanagawa
http://www.pref.kanagawa.jp/uploaded/attachment/838770.pdf
●Application Deadline: Oktubre 7, 2016
●Para sa katanungan (Japanese lamang): International Division, Opisina ng Prepektura ng Kanagawa. Tel: 045-210-3748

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ