配信日
2012年08月28日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-22] Guidebook at Guidance sa Pagpasok sa Mataaas na Paaralan ng Prepektura ng Kanagawa
【Gabay o Guidebook para sa mga taong naninirahan sa Prepektura ng Kanagawa na hindi ginagamit ang wikang Hapon bilang sariling wika.】
Nakasalin ito sa 10 wika tulad ng Tagalog, Ingles, Intsek, Espanyol, Portuges atbp.
Maaaring makakuha ng gabay na aklat sa pinapasukang Junior High School ng mag-aaral.
Maaari rin itong ma-download mula sa Homepage ng Kanagawa Board of Education.
http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f160600/p447657.html

【Gabay sa Pagpasok sa Mataas na Paaralan】
Tinatalakay dito ang mga uri ng paaralan, mga alituntunin at sistema sa pagpasok sa Mataas na Paaralan, Scholarship at iba pang nararapat na malaman.
<Petsa at Lugar ng Guidance o Gabay(Lahat ng ito ay mula 13:00~16:00)>
■9/17 (Lunes) Sagamihara International Lounge (3 minutong lakad mula sa Fuchinobe station / JR Yokohama Line)
■9/23 (Linggo) Ichou Elementary School Community House (15 minutong lakad mula sa Kouzashibuya station / Odakyu Line)
■9/30 (Linggo) Kanagawa Kenmin Center 2F Hall (5 minutong lakad mula sa Yokohama station)
■10/7 (Linggo) Hiratsuka Kenmin Center (3 minutong lakad mula sa Hiratsuka station / JR Tokaido Line)
■10/14 (Linggo) Atsugi Young Community Center (1 minutong lakad mula sa East exit ng Hon-atsugi station / Odakyu Line)
Mayroong mga tagasalin ng wika o interpreter ngunit kailangang humingi ng reserbasyon para sa wikang Lao at Russian.
Mangyari lamang na tumawag sa ME-net (host) upang makatiyak.
Katanungan: ME-net (NPO: Tabunka Kyousei Kyouiku Network Kanagawa) TEL: 050-1512-0783
Maaaring mag-download ng mapa ng lugar na pupuntahan mula sa Homepage na nakatala sa ibaba.
http://www15.plala.or.jp/tabunka/

【Makakatulong na Guidebook o Gabay】
Gabay o Guidebook na ginawa ng Prepektura na Aichi na makakatulong sa pagbibigay-daan sa minimithing pangarap ng anak.
Basahin ito kasama ang inyong anak.
「Daan Patungo sa Minimithing Pangarap para sa mga Kabataang Banyaga “Guidebook”. Hawak-kamay・ Pag-unlad・Pangarap」
(Tagapaglathala: AICHIKEN TABUNKAKYOSEI SUISHINSHITSU)
Tagalog(Pilipino)
http://www.pref.aichi.jp/kokusai/escort/phil.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ