配信日
2016年10月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-39]Botanical Gardens
Narito ang tala ng mga Botanical Gardens sa prepektura ng Kanagawa. Makikita sa botanical garden ang mga di-pangkaraniwang bulaklak at mga nasa panahon. 

□Kanagawa Prefectural Flower Center Ofuna Botanical Garden
Oras na Bukas: 9:00-17:00 ※hanggang 4:00PM mula Nobyembre
Saradong Araw: Tuwing Lunes, at kasunod na araw ng National Holiday (Subali’t bukas ito kahit na Lunes kapag tumapat sa National Holiday at sarado sa susunod na araw o sa Martes)
Bayad sa Pagpasok: \360 = higit sa 20 taong gulang ang edad / \250 = estudyante / \100 = Senior High School
Lugar: 16 minutong lakad mula sa Ofuna station gamit ang JR Tokaido Line/Yokosuka Line
Website(Hapon) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f598/

□Yokohama Kodomo Shokubutsuen
Oras na Bukas:9:00-16:30
Saradong Araw: Tuwing ikatlong Lunes ng buwan (Bukas ito sa National Holiday at sarado sa susunod na araw) 
Bayad sa Pagpasok: Libre
Lugar: Bumaba sa Hodogaya station gamit ang Yokosuka Line, mula dito sumakay ng Yokohama City bus papuntang Heiwadai Orikaeshijou, maglakad ng 1 minuto pagkababa sa Jido Yuenchi-mae. Website: http://www.hama-midorinokyokai.or.jp/kodomo/

□Kanagawa Kenritsu Hana to Midori no Fureai Center Kana Garden
Oras na Bukas: 9:00-17:00 ※(Nov.4-Feb= hanggang 16:00)  Saradong Araw: Walang saradong araw mula Oktubre hanggang Nobyembre. Sarado tuwing Miyerkules mula Disyembre hanggang Pebrero (Bukas ito sa National Holiday, at sarado ito sa susunod na araw). 
Bayad sa Pagpasok: Adult = \520, Bata = \200 (nababago ayon sa panahon)
Lugar: Gamit ang JR Tokaido Line, bumaba sa Hiratsuka Station, sumakay ng Kanagawa Chuo bus papuntang Hatano station, 5 minutong lakad mula sa Hiratsuka Yougo Gakkou-mae
Website(Hapon) http://www.kana-garden.com/

□Fujisawa Nagakubo Park, Toshi-ryokka Botanical Gardens
Oras na Bukas:8:30-17:00
Saradong Araw: Lunes at susunod na araw ng National Holiday (Bukas ito kapag nataong National Holiday ang araw ng Lunes at sarado sa susunod na araw).
Bayad sa Pagpasok: Libre
Lugar: 15 minutong lakad mula sa Hongenuma station gamit ang Odakyu Line (tabi ng Fujimi Bridge intersection)
Website(Hapon) http://nagakubo-kouen.jp/guide/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ