配信日
2016年12月26日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-54]Mga Paalala tungkol sa New Year Holidays
□Mag-ingat sa sunog.
□Tiyakin ang pagkandado ng pinto ng bahay kapag maiiwanan ito ng mahabang panahon dahil sa pag-uwi sa sariling bayan at iba pang kadahilanan.
□Mag-ingat sa labis na pag-inom at pagkain. Pag-ingatan ang pangangatawan upang maiwasang magkasakit ng influenza at iba pang karamdaman.
□Tandaan ang wasto at matipid na paggamit ng kuryente at gas.
□Tandaan ang mga araw ng pangongolekta ng basura.
□Tiyakin ang mga araw ng bakasyon sa munisipyo at ibang pampublikong tanggapan sa inyong lungsod. (Dec. 29, 2016 ~ Jan. 3, 2017 ay sarado ang pampublikong tanggapan)

Ang mga hospital ay sarado rin sa New Year Holidays. Maaring tumawag sa sumusunod upang makatanggap ng gabay sa iba’t-ibang wika tungkol sa mga hospital.
■AMDA International Medical Information Center 03-5285-8088
http://amda-imic.com/modules/activity/index.php?content_id=13

Ingles, Thai, Intsik, Koreyano, Espanyol (araw-araw) = 9:00-20:00
※Sa mga wikang ito, maaring kumonsulta sa Dec. 29~Jan. 3.

Portuges: Lunes,Miyerkules, Biyernes (9:00-17:00)
Tagalog: Miyerkules (13:00-17:00)
Vietnamese: Huwebes (13:00-17:00)
※Walang suporta ng wikang Portuges, Tagalog at Vietnamese sa Dec.29~Jan. 3.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ