配信日
2017年02月14日
配信先グループ
Tagalog
[IKT16-61]「Kurso sa pagsasanay para sa mga Tagapag-salin wika sa pamayanan na ang wika ay Tagalog」Sumali na!
Tagatangkilik: Gabay sa iba`t-ibang wika ng Kanagawa  Training Service
May naninirahang mahigit sa dalawanpu`t libong Pilipino ang naninirahan sa loob ng prepektura ng Kanagawa. Dumarami ang nangangailangan ng mga Tagapag-salin wika sa mga lugar tulad ng Munisipyo, Hospital, at mga Eskwelahan. Ngunit dahil sa kakulangan ng bilang ng mga tagapag-salin wika, sa kasawiang-palad tinatanggihan ang ilan sa mga ito.
Sa mga Pilipinong mamayan ng prepektura ng Kanagawa, na naninirahan na ng ilang taon sa bansang Hapon, ang ilan sa inyo ay may lubos na kasanayan sa pagsasalita ng wikang Hapon. Maaring napaghingan na rin kayo ng tulong ng inyong mga kakilala upang tulungan sila sa pagsalin-wika. Ang Gabay sa Iba`t-ibang wika ng Kanagawa ay nagtataguyod ng kurso sa pagsasanay upang makamit ang maayos at mahusay na pagsasalin-wika na magagamit ninyo sa mga aktibidad sa inyong komunidad.
Sa mga taong may interes sa pagsalin-wika sumali na. Libre ang pakikilahok.Walang bayad.
http://mickanagawa.web.fc2.com/sonotakouza2.html

Araw at Oras:
Ika-1 araw Marso 11, 2017 (Sabado)  13:00-16:00
Ika-2 araw Marso 18, 2017 (Sabado)  13:00-16:00

Detalye ng paglahok:
Para sa mga mamamayan ng Kanagawa na ang wika ay Tagalog. Mga kasapi sa aktibidad ng Tagapag-salin wika sa kanilang komunidad o may mataas na interes sa pagsalin-wika. Limitado sa 15katao.

Ika-1 araw Pagsasalin-wika sa HelloWork
(1)Tungkulin ng HelloWork
(2) Pamamaraan sa Pagsasalin
(3)Role Play, Pagsasanay sa pagsalin-wika
Paksa:① Pagtanggap ng Benepisyo sa kawalang-trabaho ② Paghahanap ng trabaho

Ika-2 araw Pagsasalin-wika sa Pagsuporta sa pangangalaga ng bata
(1)Kinakailangan proseso ukol sa Panganganak at Pagpapalaki ng bata sa Japan
(2) Mga karanasan ng mga Tagapagsalin-wika
(3) Role Play, Pagsasanay sa pagsalin-wika
Paksa: ① Pakikipag ugnayan sa mga Public Health Nurse
② Pakikipag ugnayan sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Lugar:  Kanagawa Kenmin Center 12F Dai-ichi kaigi shitsu(第一会議室) 4minutong lakad mula
sa Yokohama sta.

Aplikasyon・Makipag-ugnayan  M IC Kanagawa 
E-mail: mickanagawa@network.email.ne.jp
Tel: 045-314-3368(Lunes~Biyernes 9:00~16:00)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ