配信日
2017年05月11日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-6]Kabataan at Smartphones
Upang pangalagaan ang mga kabataan sa gulo dulot ng paggamit ng smartphones, kinakailangan subaybayan ng magulang ang kanilang anak sa paggamit ng internet at mga social networking site.

□Panganib sa paggamit ng smartphones
・Adiksyon sa paggamit ng smartphones: dahil hindi marunong tapusin sa tamang oras ang paggamit ng mga libreng tawag o community site, ito ay maaring maging sanhi ng pagkakasakit dahil sa pagpupuyat.
・Pagbayad ng malaki: pananagutan ang malaking halagang bayarin dahil sa pagbili ng mga item para maabot ang next stage ng game dahil sa sobrang pagkahumaling dito.
・Pang-aapi sa internet: pagsulat ng mapang-abusong pananalita, o ilaglag sa grupo.
・Pag-anyaya at pag-papanggap: kahit na magkasing-hilig o magka-pareho ng interes ang pagkakakilala sa isang tao na nakilala sa internet community site, maaring hindi pala totoo ang kanyang pagkakakilanlan tulad ng kasarian o edad.

□Tagubilin sa anak sa paggamit ng smartphones
・Gamitin ang child filter: ang filter ang magsisilbing “pader” upang hindi mapasok ng gumagamit ng Internet ang mapanganib na mga site. Magtanong sa mga cellphone stores tungkol dito. 
・Magtakda ng pamantayan sa loob ng pamilya: importanteng gumawa ng tuntunin sa paggamit ng smartphones tulad ng “paglimita ng paggamit hanggang alas-9 lang ng gabi” o “Huwag magsulat ng mapang-abusong pananalita”  

□Smartphones: Alam mo ba ang panganib ng smartphones? (Nihongo)
http://www.pref.kanagawa.jp/osirase/0207/kids/guardian/smartphone.html
Kanagawa prefectural government consumer division

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa

ページの先頭へ