配信日
2017年06月02日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-10]Dumarami ang bilang ng pasyente na meron sakit na syphilis
Ang syphilis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong may sakit nito. Dumarami ang nahahawa nito. Mag-iingat tayo.

□Pagkahawa
Maaaring magka-bukol sa nahawang bahagi ng katawan. May mga tao din na hindi magkakaroon ng sintomas sa pagkahawa nito.

□Pag-iwas sa pagkahawa
Tiyakin na walang impeksyon ang partner upang maiwasan ang paglaganap nito. Iwasan ang pakikipagtalik sa taong may sakit nito at iwasan din ang pakikipagtalik sa iba`t-ibang tao.

□Paraan upang masuri
Malalaman sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo.

□Kung nahawa
Malulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot.

□Iba pa
・Maaring magdulot ng mabigat na komplikasyon sa utak at puso kung ito ay mapapabayaang hindi gamutin.
・Maaring maipasa ang sakit sa sanggol na nasa sinapupunan na maaring maging dahilan na malaglagan, mapaaga ang panganganak, pagkamatay ng sanggol o maari ring maging sanhi ng kapansanan ng sanggol.
・Hindi magkakaroon ng inmunidad (immunity) sa syphilis kahit pagkagaling sa sakit. Maaring mahawa nang paulit-ulit.

□Mapa para sa konsultasyon at pagsusuri ng HIV
http://www.hivkensa.com/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ