配信日
2012年09月24日
配信先グループ
Tagalog
[IKT12-26]Pagsusuri ng Kalusugan ng mga sanggol at Pagbabakuna
Mayroong pagsusuri ng kalusugan o health check-up at pagbabakuna na isinasagawa para makaseguro sa maayos na paglaki ng mga sanggol. Mangyari lamang na suriin ang mga paunawa na natanggap galing sa munisipyo ng inyong mga lungsod upang malaman ang lugar at petsa na gaganapan nito.
<Pagsusuri ng Kalusugan ng Sanggol>
Ang pagsusuri ng paglaki, timbang, tangkad ng mga sanggol na mayroong 3-4 na buwan, 8-10 na buwan, 1 ng taon at 6 na buwan at 3 ng taong gulang ay gagawin sa bawat munisipyo. Mangyari lamang magtanong sa munisipyo ng lungsod na tinitirahan.
<Bakuna>
Ang pagpapabakuna, iniksyon atbp. ay kinakailangan upang makaiwas sa anumang impeksyon. Ito ay matatanggap ng libre.
Tingnan ang website na nakatala sa ibaba, upang malaman ang uri at panahon o petsa ng pagbibigay ng bakuna at handbook o paglalarawan nito sa iba’t-ibang wika.
NPO Vaccination Research Center
http://www.yoboseshu-rc.com/index.php?id=8

☆Para sa mga konsultasyon sa administration office, maaaring humiling ng suporta ng boluntaryong tagasalin ng wika o interpreter sa prepektura ng Kanagawa ngunit kailangang magbayad ng 3000 yen.
Katanungan: Kanagawa Kenmin Center 2F
General Interpretation Section
TEL: 045-317-8113
※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@k-i-a.or.jp]
**********************
Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.k-i-a.or.jp/shuppan/info_kanagawa.html

ページの先頭へ