配信日
2017年06月16日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-12]Ang Pulot-pukyutan (honey) :Dapat Hindi Ibigay sa Batang Wala pang Isang Taon Gulang
□Para sa Ina at Ama o Tagapangalaga ng Sanggol
・Pag kumain ng honey ang batang wala pang isang taon gulang ay maaaring magkakasakit ng “infant botulism”.
・Ang pulot-pukyutan(honey) ay mapanganib na pagkain sa sanggol na wala pang isang taon gulang.
・Ang bakteryang clostridium botulinum ay hindi madaling mamatay sa mataas na temperatura, kaya hindi ito namamatay sa karaniwang paraan ng pagpapainit o pagluluto.
Ang sanggol na wala pang isang taong gulang ay huwag bigyan ng honey o pagkain na may nakahalo nito, inumin man o snack food.

□Sa mga nasa Food Business
・Siguraduhing maglagay ng label o indikasyon sa produktong may honey na “Huwag pakainin sa sanggol na wala pang isang taon gulang” para madaling maintindihan ng mga konsumer o mamimili.

□Huwag magbigay ng honey sa batang wala pang isang taong gulang (Wikang Hapon)
http://www.mhlw.go.jp/stf/seisakunitsuite/bunya/0000161461.html
Ministry of Health, Labour and Welfare

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ