配信日
2017年06月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-14]Paalala tungkol sa panahon ng tag-ulan at pagkalason sa pagkain
Magsisimula na ang panahon ng tag-ulan sa buwan ng Hunyo, at madalas basa ang panahon. Mangyaring mag-ingat sa pagkalason sa pagkain sa panahong ito. Ang mga sintomas ng pagkalason sa pagkain ay lagnat, pagsusuka at pananakit ng tiyan. Mangyaring sundin ang mga sumusunod na hakbang upang makaiwas sa pagkalaason sa pagkain:
①Kainin agad ang niluto.
②Tiyakin na nalutong mabuti ang pagkain.
③Linising mabuti ang chopping board, kutsilyo, mga pamunas at iba pang kagamitan sa kusina.

※Mangyari lamang na ipaalam sa [infokanagawa@kifjp.org] kung hindi gumagana ang mga link ng mga website na nakatala.
※Para sa mga magpapadala ng e-mail:
Maaaring mangangailangan ng ilang araw bago masagot sa inyong e-mail. Pag wala pang sagot na natanggap pagkalipas ng 2 hanggang 3 araw, mangyari lamang na tumawag sa numerong naka-saad sa ibaba.
Tagengo Navi:045-316-2770
Nagbibigay kami ng impormasyon na kailangan sa araw-araw na pamumuhay sa Japan, at may libreng konsultasyon tungkol sa mga suliranin na katulad ng kaibhan sa kinagawian sa Japan sa inyong pinanggalingan.

〇Mga wika at araw: (mula pa ng 2017/4)
Ingles: Martes, Miyerkules
Intsik: Lunes, Huwebes
Tagalog: Lunes, Martes
Byetnam: Huwebes, Biyernes
Espanyol: Miyerkules, Biyernes
Wikang Hapong madaling maintindihan: Lunes~Biyernes

○Oras ng konsultasyon sa tanggapan at sa telepono: 9:00-12:00・13:00-17:15
※Sarado kapag Sabado, Linggo, Public Holidays at Bagong Taon

**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail: infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang “INFO KANAGAWA”. Maaring direktang magparehistro sa website. Mababasa rin ang mga back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ