配信日
2017年08月10日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-20]Mga Sakit sa Tag-init
Mangyaring magpatingin sa ospital kapag nakaramdam ng sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, o lagnat.
Pag-ingatan ang kalusugan upang maging masaya sa panahon ng tag-init.

□Mag-ingat sa sobrang init ng panahon
Kapag nasa sobrang mainit na lugar, maaaring mahirapan ang katawan mag-control ng temperatura. Maaaring makaramadam ng pagkahilo, pagduduwal at maaring magkaroon ng lagnat.
《Paano maiiwasan》①Madalas na pag-inom ng tubig o iba pang inumin ②Gumamit ng air conditioner o electric fan.

□Sunburn
Kapag nagka-sunburn, ang balat ay mamumula at hahapdi, ngunit huhupa ito sa loob ng 2-3 araw. Subalit kung malala ito, magkakaroon ng paltos (blisters) at pamamanas (edema). Kapag nagkaroon ng sunburn, lagyan ng malamig na tuwalya ang bahagi ng balat na apektado at makakabuting gumamit ng ice pack. Kapag nagkaroon ng lagnat at makaramdam ng panlalamig, mangyaring magpatingin sa dermatologist o skin clinic.
≪Paano maiiwasan≫ ①Gumamit ng sunscreen. ②Iwasang lumabas ng bahay sa mga oras na matirik ang sikat ng araw ③Gumamit ng payong o sombrero.

□Kagat ng mga Insekto
Pag nakagat ng insekto tulad ng lamok, bubuyog, niknik at higad, makakaramdam ng pananakit, pangangati at pamamaga.
Kapag nakagat ng insekto, hugasan at palamigin ang bahaging naapektuhan, at pahiran ng gamot.
≪Paano maiiwasan≫Iwasan ang mga sumusunod: ①paglalantad ng balat ②pagsuot ng damit na itim o madilim ang kulay ③paggamit ng matapang na amoy na pabango o hair spray.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ