配信日
2017年10月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-33]Pinakamababang Sahod sa Prepektura ng Kanagawa
Mula Oktubre 1, 2017, ang pinakamababang sahod sa Prepektura ng Kanagawa ay naging \956 bawat oras. Ang pinakamababang sahod o minimum wage ay nararapat
ibigay sa lahat ng empleyadong regular, casual, temporary, o part-time na nagtatrabaho sa Prepektura ng Kanagawa.
Ang employer ay kinakailangang magbayad nito o mahigit pa.
Sanggunian (Wikang Hapon)
TEL: 045-211-7354
Kanagawa Prefecture Labor Bureau Wage Section
TEL: 045-210-5739
Kanagawa Prefecture Labor and Welfare Division

□Pagbabago ng Batas Tungkol sa Pagpapalit ng Status ng Kontrata sa Pagtatrabaho

Nagbago ang batas sa Japan tungkol sa kontrata sa pagtatrabaho. Ang empleyadong nagtatrabaho ng higit sa limang taon sa pamamagitan ng pagrerenew ng kontrata na
"fixed-term", kahit kontraktwal o part-time ang kanyang status, ay maaaring mag-aplay sa pagpapapalit ng kanyang status sa "indefinite-term" o permanente
o walang "endo (end-of-contract)". (Ang nasasakupan o nasasailalim dito ay mga kontrata na nagsimula mula Abril 1, 2013.)
Kapag nagsumite ang empleyado ng aplikasyon sa pagpapapalit ng status ng kontrata sa employer o kumpanyang pinagtatrabahuan, ay magiging "indefinite" o permanente ang
kanyang status. (Hindi maaring tumanggi ang employer o kumpanya).

Ang mga manggagawa na nagtatrabaho mula Abril 1, 2013 na nais magpa-renew ng kontrata mula Abril, 2018 pataas, ngunit hindi pinapayagan, ay
mangyari lamang makipag-ugnayan sa tanggapan.

Indefinite-term Conversion Rules
(Wikang Hapon) http://muki.mhlw.go.jp/
Q & A http://muki.mhlw.go.jp/qa/
Ministry of Health, Labor and Welfare

□Kanagawa Labor Bureau
Lugar: Yokohama-shi Naka-ku Kitanaka dori 5-57
●Labor Environment Equality
TEL: 045-211-7380 (Wikang Hapon)

●Kanagawa Labor Bureau Foreign Workers Consultation Corner
TEL: 045-211-7351
9:00-12:00/13:00-16:00
Lugar: Yokohama-shi Naka-ku Kitanaka-dori 5-57 Yokohama Daini Chiho Godo Chosha 8F
Ingles: Lunes, Biyernes
Portuges: Miyerkules
Espanyol: Martes, Huwebes
http://kanagawa-roudoukyoku.jsite.mhlw.go.jp/madoguchi_annai/soudanmadoguchi/_95955/_119910.html
Ministry of Health Labor and Welfare

Para sa mga Intsik
□Kanagawa Labor Center (Main office)
TEL (Intsik): 045-662-1103 (Fri / 13:00-16:00)
(Intsik) http://www.pref.kanagawa.jp/cnt/f011448/
Lugar: Yokohama-shi Naka-ku Kotobuki-cho 1-4

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ