配信日
2017年11月24日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-38]Aksidente at Seguro
●Nasugatan ko ang ibang tao dahil sa pagbi-bisikleta!
●Sa pang-araw-araw na pamumuhay,nasugatan ko ang ibang tao nang hindi sinasadya!
●Dahil sa hindi pag-iingat, nasira ko ang pag-aari ng ibang tao!

Upang maging handa sa mga pangyayaring tulad nito,mapapanatag ang kalooban kapag
nagpa-miyembro sa seguro o insurance "kojin baishou sekinin hoken" o personal na seguro o insurance
na magagamit sa anumang aksidente na maaring mangyari sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Sa kasalukuyan, dumarami ang aksidente sa mga bisikleta.
Nagkaroon din ng aksidente kung saan nabangga ng bisikleta na may sakay na bata ang
taong naglalakad at pinagbayad naman ang magulang ng bata ng malaking halaga.
Kaya't narerekomenda rin ang pagpapamiyembro sa personal na seguro o insurance sa mga taong malimit gamitin ang bisikleta.

□Paanong maging miyembro sa personal na seguro o insurance:
Maaring idagdag ito bilang espesyal na seguro (tokuyaku hoken) sa pagpapa-miyembro sa seguro ng sasakyan (jidousha hoken),
seguro sa sunog (kasai hoken), at iba pang seguro.Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kumonsulta sa insurance company.
Ang nilalaman ng kontrata ng seguro o insurance ay nakasulat sa Wikang Hapon, kaya makabubuting sumangguni sa kaibigan o kakilalang marunong mag-Wikang Hapon.

Mangyaring tingnan ang mga sumusunod para sa karagdagang impormasyon.

〇General Insurance Association of Japan

(Wikang Hapon) http://living-and-ins.jp/ja/

(Koreyano) http://living-and-ins.jp/ko/

(Simpleng Intsik) http://living-and-ins.jp/ch_s/

(Tradisyonal na Intsik) http://living-and-ins.jp/ch_t/

(Ingles) http://living-and-ins.jp/en/

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ