配信日
2017年11月30日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-39]Seal, Hanko
□Sa Japan, ginagamit ang personal seal o hanko sa halip na pumirma. May 2 klase sa seal o hanko: ang "mitomein (pang-karaniwang hanko)" at "jitsuin (rehistradong hanko)".
Ang 2 klaseng seal o hanko ay maipapagawa sa hanko shop, ngunit malaki ang kaibhan sa presyo nito ayon sa materyales.

●Ginagamit ang "mitomein" (pang-karaniwang hanko; hanko na hindi naka-rehistro sa munisipyo):
Sa pagsasagawa ng proseso ng dokumento sa city hall o munisipyo.
Sa pagtanggap ng package o mail delivery.
Sa pagbubukas ng bank account/pag-withdraw ng pera/pagsasara ng bank account.

●Ginagamit ang "jitsuin" (rehistrado o ispesyal na hanko; hanko na naka-rehistro sa munisipyo):
Sa pagbili ng lupa o bahay.
Sa pagsagawa ng proseso ng pamana, pagpirma ng kontrata ng loan, atbp.
Sa pagpirma sa mahalagang dokumento na pampubliko.

Ang "jitsuin" ay ipaparehistro sa city hall o munisipyo ng lungsod na tinitirahan.
Ang bawat tao ay maaaring magparehistro ng isang "jitsuin" lamang.
Ang pagkakaroon ng jitsuin ay sinasamahan ng mahalagang karapatan at pananagutan na pang-legal at pang-lipunan.
Kaya mangyaring ibukod ang paggamit ng "jitsuin" sa "mitomein" at itabi ang "jitsuin" nang maayos sa isang ligtas na lugar.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ