配信日
2017年12月15日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-41]Seguro sa Paglalakbay
Seguro para sa pamilya o kaibigan ng mga dayuhan na bumibisita sa Japan.

Kapag biglaang nagkasakit o nasugatan ang pamilya o kaibigan na dayuhan habang namamalagi sa Japan at kinakailangang
magpasuri sa doktor, maaaring malaki ang gastos sa pagpapasuri.
Mas maiging magpa-miyembro sa seguro sa paglalakbay (travel insurance) upang maging handa sa mga ganitong uri ng pangyayari
bago umalis ng bansa patungo sa Japan.
Mayroong mga kondisyon para sa pagiging miyembro ng seguro kung magpa-miyembro sa seguro sa Japan.
Mangyaring sumangguni sa kumpanya ng seguro para sa karagdagang impormasyon.
※Kapag mamamalagi sa Japan ng mahigit sa 3 buwan, kailangang maging miyembro ng Pambansang Seguro (Kokumin Kenkou Hoken).

Ang sumusunod ay halimbawa ng servisyo ng kumpanya ng seguro para sa mga bisita sa Japan
na maaring magpa-miyembro at sumangguni gamit ang iba't-ibang wika.

□Sompo Japan Insurance Contract Support Call Center (toll free)

Ingles: 0120-950-786
Intsik: 0120-950-857
Koreyano: 0120-950-913
Wikang Hapon: 0120-321-612
Karaniwang araw,Sabado, Linggo, Nat'l Holiday:9:00am~5:00pm (Walang serbisyo ng Dec.31~Jan.3)

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ