配信日
2017年12月21日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-42]Pagmamaneho ng lasing/Aksidente sa daan
Ang pagmamaneho ng sasakyan at bisikleta nang nakainom ng alak ay labag sa batas ng Japan.
Ang taong nagpa-inom sa magmamaneho o nagpahiram ng sasakayan sa naka-inom ng alak, at taong sumakay sa minamaneho ng nakainom
ay mapaparusahan din.
Mag-ingat din sa mga pagkain na may halong alak.(Mas makabubuting hindi kainin ang mga ito.)
Ipinagbabawal din ang pagbibisikleta matapos uminom ng alak.
Mangyaring mag-ingat sa buwan ng Disyembre dahil ito ang buwan na pinaka maraming aksidente.


□Kapag naaksidente sa daan:

1. Kapag malaki ang sugat o pinsala, tumawag ng ambulansiya. (Maaring pumunta sa doktor.) Telepono ng Ambulansiya:119
2. Tumawag sa pulis. TEL:110
3. Itanong ang pangalan, tirahan at numero ng telepono ng nakabangga. Tiyakin ang numero ng sasakyan.
4. Kumpirmahin ang detalye ng aksidente kasama ang pulis.
5. Kapag nagpunta sa doktor, magpasulat ng "medikal na sertipiko (shindansho)". ※Kahit na maliit na pinsala o sugat, makabubuting
magpasulat ng medikal na sertipiko.
6. Makipag-ugnay sa kumpanya ng seguro. ※Hindi makakatanggap ng seguro kapag hindi nakipag-ugnay sa kumpanya ng seguro.
7. Kapag hindi makakapasok sa trabaho dahil sa pinsala, humiling sa kumpanya ng "Sertipiko sa Pagtatrabaho" at isumite sa
kumpanya ng seguro.

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ