配信日
2017年12月25日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-43]Palatanungan para sa mga taong nais magpatala sa Night-time Junior High School o Yakan Chuugaku
Para sa mga taong nais mag-aral sa Night-time Junior High School, mangyaring tumugon sa sumusunod
na palatanungan.

●Katanungan:
1.Edad
2.Tirahan (City, town, village)
3.Ikaw ba ay nagtapos ng Junior High School
(1)Oo (2)Hindi

●Huling araw ng pagtugon sa palatanungan: Enero 25, 2018

●Paraan ng Pagtugon:

Mangyaring ipadala ang tugon sa sumusunod na e-mail address.
inochi4027@pref.kanagawa.jp

[Ano ang Night-time Junior High School o Yakan Chuugaku?]

Ang Night-time Junior High School ay mga paaralan ng junior high school na nagsasagawa ng klase sa gabi.
Dito nag-aaral ang mga estudyanteng hindi nakapag-tapos ng kinakailangang edukasyon o compulsory education.
Maaring mag-aral din dito ang mga dayuhan.
Sa night-time Junior High School, ang curriculum ng Japanese Junior High School ang pinag-aaralan gamit ang wikang Hapon.
Hindi ito Japanese Language School.

<Pagsisiyasat/Sanggunian>
Kanagawa Prefectural Board of Education
Children Educational Support Division
TEL:045-210-8292

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ