配信日
2018年02月08日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-49]Mag-ingat sa Influenza
Mag-ingat sa influenza.
Ang mga sintomas sa mga maliliit na bata at mga matatanda ay maaaring mabilis lumala,
kaya maging maingat sa mga sumusunod.

Mga nararapat pag-ingatan upang hindi mahawa ng influenza:

1.Madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon pagkarating sa bahay, bago
at matapos magluto at bago kumain.
2.Sapat na pagtulog at sapat na balanse ng nutrisyon sa pagkain upang lumakas
ang resistensya laban sa sakit.
3.Pag-iwas sa mga lugar na maraming tao. Gumamit ng mask.
4.Paggamit ng humidifier o iba pang paraan upang mapanatili ang tamang kahalumigmigan
at maiwasan ang pagkatuyo ng kuwarto.(Ang sapat na kahalumigmigan ay 50-60%)

Kapag nakaramdam ng sintomas ng influenza, gumamit ng mask at magpunta agad sa medikal na
institusyon o ospital sa lalong madaling panahon.

Manatili lamang sa loob ng bahay kung hindi kinakailangan.

□Paano maiiwasan na mahawa ng influenza
https://www.gov-online.go.jp/useful/article/200909/6.html
Public Relations Office website, Government of Japan

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ