配信日
2018年02月23日
配信先グループ
Tagalog
[IKT17-51]Pagsasauli ng Ibinayad na Buwis (Kakutei shinkoku)
Ito ay isang pamamaraan para maisaayos ang kakulangan o kalabisan sa buwis na binayaran
katulad ng withholding tax o tax prepayment sa loob ng isang taon mula Enero 1
hanggang Disyembre 31, 2017 (Heisei 29). Kung naisaayos ang pagkaltas ng buwis mula sa sweldo sa
pagtatapos ng nakaraang taon, hindi na kailangang isagawa ang proseso na ito.

Kailangang mag-ulat ng kinita ayon sa mga sumusunod:

1.Kapag lumampas ng 20 milyong yen ang sweldo sa isang taon.
2.Kapag tumatanggap ng sweldo mula sa 2 kumpanya o mahigit pa.
3.Kapag tumatanggap ng sweldo mula sa kumpanya ngunit hindi naiulat noong pagtatapos ng nakaraang taon.
4.Kapag hindi naiulat na may umaasang pamilya (dependent) sa pagsasaayos ng buwis noong pagtatapos ng
nakaraang taon.
5.Kapag nagkaroon ng malaking gastos na pang-medikal dahil sa pagka-ospital, panganganak at iba pang dahilan.
6.Kapag nagkaroon ng babayarang housing loan sa pagbili ng bahay.

Huling araw ng Pagsasaayos:
March 15,2018 (Thu): Buwis ng Kita o Income Tax, Special reconstruction income tax, Gift tax
April 2, 2018 (Mon): Consumption tax ng pribadong negosyo at local consumption tax

Isumite sa:
Lokal na Tanggapan ng Buwis
Maaring isagawa ang proseso sa pamamagitan ng internet.
National Tax Agency (Wikang Hapon): https://www.keisan.nta.go.jp/h28/ta_top.htm#bsctrl

Maaring tingnan din ang mga sumusunod:
□Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR)
Impormasyon tungkol sa Pamumuhay na nakasalin sa iba't-ibang wika

(Simpleng Wikang Hapon) http://www.clair.or.jp/tagengorev/eja/l/02-1-2.pdf
(Ingles) http://www.clair.or.jp/tagengorev/en/l/02_1_2.pdf
(Intsik) http://www.clair.or.jp/tagengorev/zh/l/02_1_2.pdf
(Koreyano) http://www.clair.or.jp/tagengorev/ko/l/02-1-2.pdf
(Espanyol) http://www.clair.or.jp/tagengorev/es/l/02_1_2.pdf
(Portuges) http://www.clair.or.jp/tagengorev/pt/l/02_1_2.pdf
(Tagalog) http://www.clair.or.jp/tagengorev/tl/l/02_1_2.pdf
(Thai) http://www.clair.or.jp/tagengorev/th/l/02_1_2.pdf
(Vietnamese) http://www.clair.or.jp/tagengorev/vn/l/02_1_2.pdf
(Ruso) http://www.clair.or.jp/tagengorev/ru/l/02_1_2.pdf
(Indonesian) http://www.clair.or.jp/tagengorev/id/l/02-1-2.pdf
(Pranses) http://www.clair.or.jp/tagengorev/fr/l/02-1-2.pdf
(Aleman) http://www.clair.or.jp/tagengorev/de/l/02_1_2.pdf
(Burmese) http://www.clair.or.jp/tagengorev/mm/l/02_1_2.pdf

※Mangyari lamang na ipaalam sa amin kung hindi ma-access ang nasabing link.
[infokanagawa@kifjp.org]
**********************
Kanagawa International Foundation
E-mail:infokanagawa@kifjp.org

Mangyaring ipaalam rin sa mga kaibigan, pamilya at iba pang kakilala ang 「INFO KANAGAWA」.
Maaaring direktang magparehistro at makita ang back number sa website na nakatala sa ibaba.
http://www.kifjp.org/infokanagawa/ta

ページの先頭へ